10 Must-Do Filipino LET Drills

Halos anim na buwan na ang nakalipas ng ako ay nasa kalagayan tulad niyo rin. Mabuti na lang at sa tulong ng aking mga matalik na kaibigan, mga coaches sa MindGym at ang Poong Maykapal, ako ay nagtagumpay sa nakaraang September 2012 Licensure Examinations for Teachers (L. E. T.)!

Mayroon pa kayong labing-walong araw bago sumabak sa March 2013 L.E.T. Malamang ay ninenerbyos na kayo. Isa sa mga paraan para magkaroon ng kumpiyansa sa L.E.T. ay ang pagsagot ng mas maraming drills. Subukan nga ninyo ang mga sumusunod na drills sa Filipino. Ang mga sagot dito ay malalaman rin dito sa site bukas.

1. Alin sa mga sumusunod na obra maestro ang hindi itinuturo sa sekundarya?

a. Florante at Laura
b. Noli Me Tangere
c. Si Pagong at Matsing
d. Urbana at Feliza

2. Ipinakita ang ebidensya sa huwes. Ito ay nasa pokus na,

a. tagaganap
b. layon
c. tagatanggap
d. gamit

3. Anong wika ang ginagamit ng pamilya sa loob ng tahanan?

a. diyalekto
b. lalawiganin
c. balbal
d. ekolek

4. Alin sa mga sumusunod na teorya ng wika ang nagpapaliwanag ukol sa pwersang pisikal?

a. yo-he-ho
b. pooh-pooh
c. tarara-boom-de-ay
d. bow-wow

5. Sinong manunulat ang tinaguriang “Ama ng mga Manggagawa?”

a. Virgilio Almario
b. Rogelio Sicat
c. Amado V.Hernandez
d. Wilfredo Pa.Virtusio

6. Si ______________ ay kinilalang “Ama ng Klasikong Tagalog.”

a. P. Antonio de Borja
b. P. Modesto de Castro
c. P. Domingo Nieva
d. P. Juan de Placencia

7. Ano ang mangyayari sa pandiwang maglalaba kung ito ay nasa aspektong perpektibo?

a. walang pagbabago
b. matatapos na ang kilos
c. mapapalitan ng n ang m
d. magiging naglalaba

8. Alin sa mga sumusunod na pag-aaral ng wika ang tumutukoy sa palaugnayan ng mga salita?

a. sintaksis
b. semantika
c. ponolohiya
d. morpolohiya

9. Sino ang nagtatag ng pamahayagan sa Espanya?

a. Aurelio Tolentino
b. Marcelo H. del Pilar
c. Gregorio del Pilar
d. Emilio Aguinaldo

10. Alin sa mga sumusunod ang nasa karaniwang ayos ng pangungusap?

a. Si G. Ricardo V. Reyes ay hinirang na bagong kapitan ng barangay Rizal.
b. Karamihan sa mga banyagang naninirahan sa Pilipinas ay nag-aaral ng Filipino.
c. Ang iba’t ibang sektor ng pamahalaan ay nagpaabot ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo.
d. Lubhang makulay ang mga pista ng Ati-Atihan sa Pilipinas.


Christine Morit for MindGym Philippines

About the contributor

Christine Morit is a graduate of the University of Makati. She taught at the Makati Science High School in 2011 and is currently connected with the Integrated Montessori Center. She is an alumni of MindGym’s Intensive Coaching for the September 2012 L.E.T. For the March 2013 batch, she has joined MindGym’s pool of new junior coaches. She has recently coached MindGym’s Filipino majors.

About MindGym

MindGym Philippines is a learning center directed by educators with the passion to teach, learn, care, and share the best! We offer licensure exam reviews, art workshops, and academic tutorials.

, ,

13 Responses to 10 Must-Do Filipino LET Drills

  1. Rose Mary Susmena 2013/02/21 at 3:28 pm #

    Ma’am I like this drill, but I wish that you have drills in TLE coz I am a T.L.E Major. Thanks!

  2. GLENDA D. ECLEO 2013/03/03 at 9:12 pm #

    Gusto kung mag review sa MindGym’s ang problema wla dito sa province namin at malayo ang maynila sa surigao. At nahirapan talaga ako tungkol sa major (TLE) at iba na kasi ngayon dami ng aspect ang kailangan mong pag-aralan para mo ma get ang kabuoang TLE major.At isa ako ngayon sa examinee sa March 10 na darating.
    Thank you. and more power to MindGymn’s

  3. Jenny Rivera 2013/04/26 at 9:39 am #

    i will take this september 2013 hopefully pls help me,..in God’s Speed.

  4. maricel cabildo 2013/05/24 at 7:47 pm #

    ask ko lang po….repeaters po ako s LET… need po ng receipt or any proof n ako ay repeater kaya lang po problema ko nawala na yung last receipt ko mula noong 2008 pa..ano po dapat kung gawin.

    • MindGym 2013/05/29 at 7:54 pm #

      Hi Maricel, you may bring your other school/graduation docs to PRC so they can help you produce a document that confirms that you are a repeater. Please call or visit the nearest PRC to your location so they can help you out better 🙂

  5. merishie 2013/07/22 at 1:09 pm #

    Salamat po at merong ganito cguradong makakatulong ito saamin. Sana mam makikita n dito yung sagot 🙂

  6. ellen mae camallere 2013/09/19 at 12:21 pm #

    helo poh….sure poh vah ang mga sagot sa mga questioned bukas kasi po aabangan ko..

  7. jelribel G. Mallare 2013/09/24 at 6:57 pm #

    bkit wala pa poh ang sagot…

  8. rosalindacapellaN 2014/01/14 at 1:50 pm #

    DPT MYSGOT:(

  9. chara m. tacang 2014/05/13 at 10:34 am #

    gusto ko po malaman kung ano ang tamang sagot dahil alam ko itoy malaking tulong sa akin ngayon darating na board exam for teacher.
    salamat po.

    • Gracyn 2014/06/04 at 6:14 pm #

      We cov’ulde done with that insight early on.

  10. MHYRRALUNA A. GABITO 2015/02/26 at 8:47 pm #

    Good evening po..salamat po.talagang malaki po ang tulong nito sakin..
    I am hoping for your answer tomorrow mam.. Maghihintay po ako..
    Salamat
    God bless.

  11. charisseverallo 2015/04/10 at 2:35 pm #

    sana po may answers 🙂

Leave a Reply