Walang Imposible

Cathreen-Gem-Tanyag-1Mayo 14, 2015—”Yes, I Can!” Ang katagang hinding-hindi ko malilimutan. MindGym Philippines, MyReviewCoach—ang pamilyang taos-puso kong pasasalamtan.

Ilang araw bago lumabas ang resulta ng LET, nagbalik-tanaw ako sa mga panahong isa pa lamang ako sa libu-libong nagnanais makapasa. Bitbit ang pag-asa at desisyong magiging lisensyadong guro ako ngayong taon, paulit-ulit kong ibinubulong ang “Yes, I Can!” habang sinasagutan ang application form para March 2015 LET.

Paano nga ba nagsimula ang lahat?

Setyembre 2012 nang mapagpasyahan kong simulan ang matagal ko nang inaasam-asam na pagkamit ng lisensya.

Nagpasya akong kumuha ng 18 education units sa UP Open University. Sa biyaya ng Diyos, natapos ko ang Professional Teaching Certification Program. Masarap sa pakiramdam. Hindi pala. Napakasarap pala sa pakiramdam tanggapin ang sertipikasyon. Nakakapagod pero “worth it” ika nga. Ano pa kaya kung makita ko na ang pangalan ko sa listahang ng mga pumasa sa LET?

Agosto 2013 nang matapos ko ang programa ngunit ipinagpaliban ko muna ang pagkuha ng LET. Sa kabila nito’y hindi ko naman pinagsisihan ang mga nagdaang buwan dahil ginamit ko ito sa paghahanap ng online LET review center.

Browse. Search. Click! Ayun! MindGym Philippines. Nag-inquire ako sa kanila kung may inooffer silang online review. Meron daw. Yes!

Buwan na ng Oktubre 2014 nang magpasyahan kong umpisahan ang puspusang pagrereview. Inayos ko agad ang mga kailangan sa pagrereview at makalipas ang ilang araw, opisyal na akong reviewee ng MyReviewCoach. Yehey!

Madali naman akong nakapag-adjust sa online review sa MRC dahil na rin sa kasanayan ko sa paggamit ng computer at sa mga karanasan ko sa distance learning.

Naging pabor sa sitwasyon ko ang online review dahil sa trabaho ko bilang homebased private tutor. Bukod dito’y isa akong PWD-wheelchair user. Kaya naman lubos ang pasasalamat ko sa MRC dahil maliban sa hawak ko ang oras sa pagrereview, hindi ko na rin kailangan pang bumyahe.
Sa bawat araw ng pagrereview, nirerekord ko sa aking LETers’ Choice Book ang aking mga “Mini Goals” na sa tingin ko’y sapat para mareview, masagutan at matapos sa loob ng isang araw.

Reviewing at home with MyReviewCoach.com

Reviewing at home for the LET with MyReviewCoach.com 🙂

Hmmmm… Mukhang epektib naman kaya ipinagpatuloy ko! Palagi ko ring binabalik-balikan ang aking target goal na hayagan kong rin isinulat upang di ko malimutan ang aking layunin- ang manguna o makapasa sa LET.

Tuwing umaga naman o bago matulog, naglalaan ako ng ilang minuto para makapagpost ng mga motivational quotes at reminders sa Facebook page ng MyReviewCoach Family para sa aking mga co-reviewees.

Pakiramdam ko kasi mas dumadali ang pagrereview kung may na-iinspire ka at ikaw mismo ay inspired. Kung may mga katanungan o klaripikasyon naman, agad itong nasusulusyunan sa tulong ng mga coaches at kapwa ko online reviewees.

Cathreen-Gem-Tanyag-3

Gem with co-online LET reviewees at MindGym’s three-day Power Coaching LET refresher

Nakakawala ng stress dahil makikita mong bawat isa ay masayang nakikipagpalitan ng tanong at sagot. Walang inggitan o pagyayabangan dahil lahat ay naghahangad na makatulong at determinadong makapasa. Dumami rin ang mga bago kong kaibigan. Di ko akalaing makikilala ko sila at makakasama hindi lang virtually kundi physically.

Pakiramdam ko tuloy, hindi ako nagrereview mag-isa dahil nariyan sila, ang mga bago kong kapamilya. Haayy… Nakaka-miss din!

Gem with Jojie, also a MyReviewCoach reviewee from Ilo-ilo

Gem with then newly-met friend Jojie, also a MyReviewCoach reviewee from Ilo-ilo

Buwan ng Pebrero nang magkaroon ng Power Coaching. At dahil Math ang specialization ko, sinikap kong makaattend para madagdagan pa ang kaalaman ko sa paggamit ng formula at techniques sa pagsasagot.

Di ko akalaing isa na namang pagpapala ang darating. Nang makausap ko si Mo/am Alice sinabi niyang gagawin niya akong scholar. Abot tenga ang ngiti ko ng malaman ang magandang balita. Lubos ang pasasalamat ko sa kanya hindi lamang sa ibinigay niyang tulong pinansyal kundi dahil naramdaman ko ang sensiridad at pagmamahal mula sa isang ina.

Gem with MyReviewCoaches Melane Manalo, Alice, and Albert Basa

Gem with coaches Melane, Alice, and Albert

Dalawang linggo bago ang pinakahihintay na LET, nagkaroon kami ng Mock LET at Final Coaching. Sa mga panahong ito, paulit-ulit kong sinasambit ang “Yes, I Can!” At paulit-ulit ko ring ipinaalala sa aking sarili na lahat ng pinagdadaanan kong pagsubok ay malapit nang mapalitan ng tagumpay. “Konting panahon na lang, Gem”, sa isip ko.

Dalawang araw bago ang LET, iniligpit ko na ang mga gamit ko sa pagrereview at nangakong di na muling bubuklatin ni titingnan. Ang ilang buwang pagbabasa ng mga modules, pagsasagot ng mga drills at pagmememorya ng mga pangalan ng iba’t ibang theories at principles ay natapos na. Salamat sa Panginoon.

Gabi ng Sabado, inihanda ko na ang mga dadalhin para sa exam. Pinatasahan ko ang mga lapis ko sa aking mga kapatid at pamangkin bilang simbolo na sila ang aking inspirasyon. Napakasarap isipin na ang lahat ng ito’y ginagawa ko hindi para sa sariling kapakanan kundi para sa mga taong naniniwala at sumusuporta sa akin. At bago matulog ng gabing iyon, itinaas ko ang lahat ng aking agam-agam sa Panginoon. Humingi rin ako ng gabay at nagpasalamat sa karunungang ipinagkatiwala Niya sa akin.

Marso 29, Linggo—Maaga akong dumating sa PRC. Dito’y kasabay kong kukuha ng LET ang iba pang mga kapwa ko gurong may kapansanan. Bakas sa kanilang mukha ang kaba at saya na sa wakas, dumating na ang oras na ilang buwan ding hinintay at pinaghandaan.

Binasa at inunawa kong mabuti ang mga tanong. Ginamit ko nang wasto ang oras. Isinulat ko muna ang mga sagot sa questionnaire bago ko inilipat sa answer sheet upang maiwasan ang pagbubura. Kumain din ako nang sapat na pananghalian at meryenda. Paminsan minsa’y ipinapahinga ko ang aking mga mata at kamay para maiwasan ang pangangalay. Nang matapos ang exam, napabuntunghinanga ako at nagpasalamat sa Panginoon.

Ang huling yugto ang wari ko’y pinakamatagal at pinakahihintay ng lahat—ang paglabas ng resulta ng LET.

Ngunit, bagupaman lumabas ang resulta ng LET ay inumpisahan ko na itong isulat dahil naniniwala akong ang katagang “Yes, I Can” ay posible at positibo. Naniniwala akong kalakip ng aking puspusang paghahanda ay ipagkakaloob ng Diyos ang lisensyang aking pinakahihintay.

Mayo 23, 2015, Sabado—ganap na ika-9 ng umaga nang makita kong lumabas na ang listahan ng mga pumasa sa LET. Mula sa humigit kumulang 56,596 secondary teachers na kumuha ay 17, 904 lamang o 31.63% ang pumasa. Naroon ang aking pangalan sa ika-332 pahina. Nagbunga rin ang lahat ng pagsisikap at pagtitiyaga. Salamat sa mga taong nagtiwala at nakiisa sa aking panalangin.

Hindi dito nagtatapos ang aking paglalakbay bilang guro. Bagkus, itinuturing ko itong panimula ng bagong kabanata nang sinimulang pangarap. Para sa mga susunod pang nagnanais maging tagapanday ng karunungan, hayaan ninyong ibahagi sa inyo ang paborito kong linya sa nobelang Dekada ’70 ni Lualhati Bautista,

Ang payapang pampang ay para lang sa pangahas na sasalunga sa alimpuyo ng alon sa panahon ng unos.

Ako po si Cathreen Gem C. Tanyag, isa nang ganap na lisensyadong guro.

Celebrasyon ng pagkapasa sa LET sa MindGym! Photo 2: Kasama ang iba pang online LET review batchmates. Photo 3: Kasama ang MindGym LET coaches

Comments are closed.