Rikki’s Quick LET Tips

Hi there, little one! I am very hesitant to write this, even now as I am actually typing it, because up to this point, I still dunno how I did what I did. But anyway here are some ~tips~

1. Know Thyself

Quick question: Sinong philosopher nagsabi niyan??

Kilalanin ang iyong sarili – ano na yung mga alam mo? Ano yung mga kailangan pa i-refresh? At alin yung mga nahihirapan ka pa talaga?

Kapag alam mo na yung mga sagot diyan, makakatulong ito sa pag-review mo dahil alam mo saan na dapat mag focus at alin yung puwede mo nalang daanan lightly. Ako, ramdam ko talagang weak point ko ang Math at sayang naman yung points kasi sa Math exact naman yung mga sagot as compared to english or filipino na sometimes mas mahirap i-determine talaga yung sagot.

Anyway, so ginawa ko nag print ako ng mga sample exercises (word problems sa algeb mostly), nagpaturo kung paano i-solve yung mga ganoong type of questions, tapos practice practice sa pagsagot hanggang sa gets ko na!

2. Allot time to study

Obvious na to pero yeah. If balak mo mag-enroll sa review center, pumasok ka please!! πŸ™‚ Haha wag sayangin ang bayad hehe. Medyo ironic na galing sakin to kasi ang dami ko rin absent nung review hahaha pero in my defense, may mga days naman na umabsent ako pero nag-aral lang ako somewhere like sa coffee shop with friends πŸ™‚ Naging ok din sakin yun kasi nakaka-help din sakin pag tinuturo sa iba yung mga stuff. So, ikaw bahala, basta mag set ka lang ng time para mag-aral. πŸ™‚

Pero ang pinaka gusto ko siguro talagang malaman ng iba ay – exam lang yan. Hindi naman yan ang sukatan ng kagalingan natin bilang guro o bilang tao. Oo, maganda sa papel pero in the end, papel lang yan. Score lang yan. Grade lang yan. And it is not everything. Don’t let it define you πŸ™‚ Goodluck!

Rikki Lauren N. Aquino
SPED Teacher
The Raya School

About Rikki Lauren Aquino

Rikki Lauren N. Aquino achieved Top 5 in the 2016 September Licensure Examination for Teachers (LET), Elementary Education division. She graudated with a BEED degree from the University of Santo Tomas. She currently teaches young minds as a SPED educator at the Raya School.

,

No comments yet.

Leave a Reply